United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magawâ.
Nang kinámakalawahán ay isá na akó sa inyó at magmula niyón ay ... Nagbago ang palakad ang putol ni Patíng magmula niyon ay dumalang na ang panghaharang sa m~ga daanan, n~guni't lumimit ang paghahati n~g m~ga salapíng nágagahís sa pangloloob.