United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !
Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magawâ.
Hindi ko kailan~gan ang makikináng na daloy n~g batis, upang ipamawi n~g kauhawan; sa aki'y sukat ang m~ga halamang inyong namamalas, pagka't sa kanya'y nánanamnam ko ang matamis at masaganang katás, sa m~ga oras na ang Sumakop sa tanán, ay nagsabing "AKO'Y NAUUHAW", sa kanyáng Pitóng Wik