United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Katanghalian dáw noon n~g buan n~g Marzo, mainit na lubha ang daloy n~g m~ga sinag n~g araw, kaya't ang kaalinsan~ganan, ay di magpatiwasay sa madlâ, lalong lalo na doon sa m~ga pangkating pinag-uusig n~g m~ga batas, doon sa nan~gabubuhay sa pamamag-itan n~g pawis n~g iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yun~gib sa kaparan~gan; doon sa lupalop na pan~gublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na lan~git ang tanang kabuhun~gan kanilang lagui nang ikinaaaliw.
Bago ka umalis at naglakbay baya'y may naging pan~gakong sa aki'y iniwan pan~gakong sa aki'y naging bagong araw na nikat sa gitna n~g katanghalian, paano'y pan~gakong sa katotohana'y nagbukas n~g pinto n~g kaligayahan. Ikaw'y napalayo.
Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y wala n~ga, iyaong malalabay na san~gá n~g nan~gag-lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madlâ n~g malalamig na lilim kung katanghalian, at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala n~g iba pang sumisibol.
Salita Ng Araw