United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Matalagháy ang kabuuan n~g kanyang maamong mukhâ; malamlam ang titig kayumanguing kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong at nakabibihag ang maramot na n~giting nanasnaw sa kanyang guinumamelang labi. Isang sulyap na panakáw at pagdaka'y binawi ang biglang tumudlâ sa aking puso at n~g m~ga sandaling yaon ay kanyang binihag.

Kaikailan man ay di siya nakaririnig n~g gayong pan~gun~gusap na iniuukol sa kanya ni Tirso. Subali't ¿ano ang marapat niyang itugon? Hulaan mo n~ga, Elsa, ang iniisip n~gayon n~g m~ga taong iyang nagtin~gintin~gin sa atin, ang pan~giti pang saad n~g makata, kasabay ang panakaw na pagpupukol n~g sulyap sa m~ga iba pang taong nagpapasikip sa malaking hotel na iyon.

Sa pagkikita nilang dalawa noon, ay masasabing mabuti na rin ang nangyari, sapagka't bagaman sasandali at panakaw pa ang pagkakausap nilang lihim at sarilihan ay napagtalastas ni Tirso kay Elsa; na ang bagay na ipinagtipan nilang manonood n~g sine ay sa karnabal na paguusapan; na yao'y maluwag nang mabubunsod kaipala, yamang ang kapatid na lalaking pinan~gin~gilagan n~g dalaga ay nagtun~go sa Nueba Esiha at malamang na hindi mabalik kundi kung makaraan na ang nabanggit na karnabal; na ang binibili nina Elsa nang umagang iyon ay m~ga kayong gagawing balatkayo, at ang may kagustuhan niyon, bilang pinakapangaliw sa m~ga pan~gun~gulungkot na palagi ni Elsa, ay dili iba't ang kanyang hipag na si Dioni.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap