United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kayó anyá ang masusunod n~gayon: ang ibig tumanggap ay makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa harap n~g ganitong pagmamatwid, kayo, m~ga kasamang anák-pawis, ang siyang magpasya; sabihin ninyo n~gayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin. At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisán n~g nagsasalita ay ipinatuloy: M~ga kapatid: ¿ibig bagá ninyong tanggapin ang pagbababa n~g úpa?
Ipinakilala at isinakabatiran n~g lahat, na ang pagbababa n~g úpa ay ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na iniúlat n~g Lupon ay ayaw dinggin n~g m~ga namamahala sa pagawaan at bagkus na nagpakatigástigás sa kanilang nasa. Ang m~ga mamumuhunan ang patuloy pa n~g nagsasalita ay nagsabi pa, na kung sino raw ang ayaw tumanggap n~g mababang úpa ay maaaring huwag pumasok.
Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang m~ga "orgulloso" kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa n~g kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala marahil n~g m~ga walang utang na loob na iyan ay susuko kaming m~ga mamumuhunan.