United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kayó anyá ang masusunod n~gayon: ang ibig tumanggap ay makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa harap n~g ganitong pagmamatwid, kayo, m~ga kasamang anák-pawis, ang siyang magpasya; sabihin ninyo n~gayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin. At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisán n~g nagsasalita ay ipinatuloy: M~ga kapatid: ¿ibig bagá ninyong tanggapin ang pagbababa n~g úpa?

¡Nariyan n~ga ang sakit! At ang m~ga nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang nararapat na humanap n~g lunas upang sa lalong madaling panahon ay magamot ang sakit na nasabi.

Sapagka't, samantalang doón, sa boong kaeorupahan at sa iba pang dako n~g Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan n~g m~ga anak-pawis ay hindi kumikilala ni pumipili n~g uri n~g m~ga manggagawang dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat na manggagawa sa pagtatanggol n~g matwid, upang ang iba namang pangkat ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain n~g m~ga yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaapóy na halos ang labanan n~g Puhunan at Paggawa, sampu na n~g lahat n~g m~ga manggagawang may iba't ibang uri at kalagayan ay sumunód naman sa m~ga ginawa n~g m~ga dinadamayan; samantalang ang pagtutulun~gan at pagaabuluyan n~g m~ga manggagawa roon ay ganáp na ganáp, dito naman sa atin ay hindi, kundi ang kadalasan pa'y hindi maabuluyan n~g anoman ang m~ga nagsiaklás hanggang sa huli, sa pagtatanggol n~g matwid at karapatan.

Hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang malaki at lalong mabibigat na pagsisi, doón sa m~ga unang humawak n~g kapalaran n~g m~ga manggagawang pilipino at sa ilang humahawak pa rin at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga anák-pawis, bago'y ang kadalasang mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili at kumakalakal sa m~ga itó sa maraming kilusang nangyari.

Mga Manggagawa: Sa paglalathala ko n~g aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may tungkulin ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na pagkapariwara n~g lalong magaganda at dakilang kilusán n~g m~ga kawal n~g bisig.

Ang aklasan, para sa m~ga anák-pawis na gaya natin, para sa m~ga nabubuhay sa lanran~gan n~g paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman n~g sa m~ga manggagawa sa Pransia, sa Amérika sa Espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit na sandata laban sa paghahari n~g lupit n~g Puhunan sa ibabaw n~g matwid at karapatan n~g m~ga manggagawa.

Ang aklasan, ay ginagamit kung ang makatwirang daing at kahilin~gan n~g m~ga anák-pawis ay ayaw na dinggin n~g Puhunan; at sa m~ga nangyayaring ito sa atin ay maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw pakinggan sa makatwirang pagtutol.

Ilaan natin ang katawan sa m~ga sakit na karaniwang dinaranas sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang m~ga sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin naman n~g sa ating m~ga asawa't anák, magulang at kapatid, na pawang magsisipagtiis n~g gutom, kung sakali't kakailan~ganin ang mahahabang araw sa pagbubungguan n~g dalawang lakás. ¡Pagtitiis at pagtitiis...! Ito ang kailan~gan natin upang maitaguyod n~g boong dan~gal ang aklasang gagawin ... At, kung kayo, m~ga magigiting na anák-pawis ay hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat n~gayon ay mamayapa na at sumailalim n~g bawa't maibigan n~g m~ga mamumuhunan.

Sa wakás ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa n~g m~ga manggagawang pilipino at gayon din sa m~ga matatalinong makamanggagawa na nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anák-pawis dito sa atin.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap