United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !


Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila upang mabatid natin. Nang araw na sinundan, ang m~ga manggagawang nasabi ay tumanggap n~g isang babalang buhat sa m~ga may-ari n~g pagawaan, at doo'y ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat n~g m~ga "vitola" na kanilang ginagawa.

Ibinaba pang muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa't "vitola" at ang lahat nama'y walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima sa gayong m~ga bagong utos at kapalakarang pinaiiral n~g may pagawaan. Silang lahat ay walang magawa. Sapilitang sumailalim sila sa lahat n~g bagay na magalin~gin n~g puhunan ...

Pagkatapos n~g isang mahaba at mainitáng pagtatalo ay pinagkaisahan n~g lahat, na magsugo n~g isang Lupon sa m~ga mamumuhunan, upang maipabatid na sa dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa bawa't "vitola" ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid, ang m~ga mamumuhunan ay magbagong pasyá.

Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang m~ga "orgulloso" kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa n~g kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala marahil n~g m~ga walang utang na loob na iyan ay susuko kaming m~ga mamumuhunan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap