United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Iya'y katotohanan; subali't taglayin n~g m~ga may sala ang parusa, subali't ikaw ay hindi; sapagka't napariwara man ang iyong magagandang layon at adhika ay paano't paano ma'y dadalhin mo sa harap n~g iyong sariling budhi ang kasiyahang loob, sa, pagkatupad mo sa inaakala mong tungkulin; at sa isang dako, ako namang asawa mo, ay lalasap n~g lalong malaking ligaya sanhi sa ang pan~galang taglay ko na ipinagkaloob mo sa akin, ay malinis at hindi nalalahiran n~g bahagya mang pagtataksil; at ang m~ga batang anák natin ay maiiwanan mo naman n~g isang karan~galang di matutumbasan n~g pilak ni n~g anomang kayamanan.

Datapwa't magpakabaliw sa babaeng humahalakhak at umooroy sa kanyang kasawian ay iyan na ang sukdulan n~g kahalayan na hindi sukat makita sa isang paris ni Tirsong paano't paano man ay may pan~galan na ring nakikilala sa maraming lipunan. Kaya, masakit mang walang kasingsakit, ay kailan~gan na ni Tirso ang makiayon sa tadhana n~g kanyang palad.

Arawaraw, pagkamulat n~g m~ga mata, ang unang sumisilid sa isip ni Elsa ay ang pagmumunimuni kung paano't saan sila muling magkakaulayaw ni Tirso, at kung anong bagay ang kailan~gan niyang gawi't iukol pa sa makatang iyan upang huwag magkawakas kundi bagkus magibayo pa ang katalikan n~g kanilang pagmamahalan. At si Elsa ay isang matiyagang tagapagalaga n~g halamang iyan.

Marahil paano't paano ma'y nan~gun~gunti rin naman siyang maalaman n~g manang na iyon na ang kanyang nakaisang palad ay dili iba't ang lalaking nan~gibig kay Teang.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap