United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa isang dako'y ipinagtatalo n~g kanyang loob ang hindi pagkatupad n~g kapan~gakuang iniwan sa kanya n~g babaeng pinagsanglaan n~g walang tubos n~g kanyang kaisa-isang pusong namana sa magulang, saka ang m~ga balitang tungkol sa babaeng iya'y inihatid sa kanya n~g isang binatang itinuturing na kaibigan; samantalang sa kabila nama'y hayan ang kalatag n~g mestisang sa mula't mula pa n~g kanilang pagkikilala'y wala nang ipinatamasa sa kanya liban sa di karaniwang pagtatan~gi't tuwina'y pagkahalina sa anomang kanyang ginagawa, sa lahat niyang m~ga tula ... Samantalang ang m~ga pangyayari at ang m~ga natatanggap na balita'y nagtataboy sa kanya upang pagbuntuhan niya n~g n~gitn~git at ikahiya sa kabatiran n~g iba si Teang, si Elsa naman ay patuloy na nagpapasinaya sa kanya n~g, mataas na pagtin~ging sukat lamang hintin sa isang tunay na kasuyo, sa isang tapat na kasing nananagisag n~g kawagasan.

Iya'y katotohanan; subali't taglayin n~g m~ga may sala ang parusa, subali't ikaw ay hindi; sapagka't napariwara man ang iyong magagandang layon at adhika ay paano't paano ma'y dadalhin mo sa harap n~g iyong sariling budhi ang kasiyahang loob, sa, pagkatupad mo sa inaakala mong tungkulin; at sa isang dako, ako namang asawa mo, ay lalasap n~g lalong malaking ligaya sanhi sa ang pan~galang taglay ko na ipinagkaloob mo sa akin, ay malinis at hindi nalalahiran n~g bahagya mang pagtataksil; at ang m~ga batang anák natin ay maiiwanan mo naman n~g isang karan~galang di matutumbasan n~g pilak ni n~g anomang kayamanan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap