United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagprisinta nga ako pagka't ikaw ang Elena at ibig kong mapanood ng mga tao na tayo'y mga hari kahi't na sa Santa Cruz de Mayo lamang. Hambog ang biro ko pa. Hindi ka nakasagot sapagka't inanyayahan tayong maghapunan ng "Hermano Mayor" at para pang sinadya na tayo'y pinagtapat ng upo, kaya't habang tayo'y naghahapunan ay kung makailan kong maino na nangungunot ang iyong noo.
Hindi niya akalain na si Leoning ay may ibang minamahal matangi sa kanya datapwa't ngayon ay mayroon palang iba pang minamahal ang kanyang asawa. Kaya noong umagang yaon ang noo niya ay nangungunot na waring may malaking kasamaan ng loob at ang kanyang damdamin ay tila ba may isang suliraning napakaselan sapagka't sa anyo niyang yaon ay mapagkikilalang may samang totoo ang kanyang kalooban.