United States or Mexico ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y kakalun~gin at ipaghehele, ang awit-tagalog ay mamamayani hanggang sa magsawa't ako'y mapabuti. Ang awit ni ina'y laging yumayakap, sa m~ga awitin n~g aking panulat kaya't ang awit ko'y mayumi't banayad. = Libingan ni Ina =. Ang buhay n~g tao'y parang isang araw Na kung mayrong bago'y mayrong nan~gan~galay, Ang palad ni ina'y di na nakalaban Kaya't napatalo sa tawag n~g hukay.
Iyan ang si Choleng na sadyang mayumi't laman n~g panulat na kahilihili, iyan ang larawang aking binabati at isang dalagang hiyas nitong Lahi, iyan ang diwatang ang paguugali'y mayamang talaan n~g saya't lwalhati, iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'y pawang kapalarang walang pagkapawi. At n~gayo'y araw mo! N~guni't ano kaya ang maiaalay sa isang himala? Walang wala Choleng!
Gaya rin n~g iba, ang ina kong giliw Ay inang mayumi't lubhang maramdamin, Inang hindi yuko sa m~ga hilahil, Inang mapagbata at siya kong virgen. Mayrong isang Diyos na kinikilala, May isang dakilang pananampalataya, Sa kanya ang madla'y kulay n~g umaga, Ang galit ay awa't sa poot ay tawa.