United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !


Di ko tinatakhan ang palad n~g tao sapagka't ang lahat ay mayrong Kalbaryo kung ang aking puso'y iyong Paraiso , ang iyong pag-ibig ay aking Infierno . ¡Kamanyang...!

Dahil sa alám kong panitik ay básal kung isulat ko pa'y sumasalagalsál kaya't balang letra'y mayrong kalabûan: bahálang puntero n~g babasang pahám. ¡Bayan ko'y malasin! ang pagsusumakit n~g bawâ at pahat sa iyo'y ninibig sukdang salsal, pulpól ang aking panitik di nag-alinlan~gang sa pula'y mabulid. =Pantaleon S. Lopez.= Kung sinong Apô-Apô.

Aywan ko kung ikaw'y magtaglay pang awa sa nagsisi ko nang lakad at akala, aywan ko kung ikaw'y kulang pang tiwala sa m~ga nasayang at natak kong luha. Kung natatalos mo ang luhang nasayang sa mata ko't pusong laging naglalamay, sana'y nasabi mong mayrong katunayan ang dinaranas kong m~ga kahirapan.

Maasahan mo ang aking pag-ibig, ang buong buhay ko hanggang mayrong lan~git, hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis ang iyong pan~gala'y laging na sa isip. Huwag kang man~ganib! Di ko malilimot ang ganda mong iyang sipi sa kampupot, ang ban~go at tamis n~g isang pag-irog ay na sa sa iyo't hindi mauubos.

Ang luha ko'y buhat sa di pagkataya Na ang tao'y mayrong balon n~g parusa, Ang pagsisisi ko ay bumabalisa't Bumawi sa akin n~g aking ligaya. Talagang ang tao'y sadyang walang tigil, Namali nang minsa'y ibig pang ulitin, Ang tanaw sa mundo'y mundong walang lihim At sa Dios ay Dios na di matandain.

Iyan ang isa pang di ko ikatulog gayong nagsisi na ang aking pagirog, iyan ang sa aki'y nagbibigay takot, iyan ang sa n~gayo'y di ko mapag-abot. Hinuhulaan kong ang iyong paglin~gap ay magbabago na sa imbi kong palad, ang kawikaan mo'y ang isang nabasag mabuo ma'y mayrong natitirang lamat.

Gaya rin n~g iba, ang ina kong giliw Ay inang mayumi't lubhang maramdamin, Inang hindi yuko sa m~ga hilahil, Inang mapagbata at siya kong virgen. Mayrong isang Diyos na kinikilala, May isang dakilang pananampalataya, Sa kanya ang madla'y kulay n~g umaga, Ang galit ay awa't sa poot ay tawa.

Huag kang maguitla sa pananahimik pagka't ito'y nukál sa ating pag-ibig pag-ibig na hindi Soledad. Ah, lahing alamid. Agong. Hindi magagatol ang aking nais. Soledad. Sumasamo akong iyo n~g talikdan ang lahat n~g nasa. Agong. Di mahahadlan~gan Soledad. Dapat mong isipin iyong kagagawan at mayrong infierno. Agong. Mangyaring pakingan. MÚSICA N.o 4 Agong.

¡Ano't ganito na ang pasan kong hirap! ¡Ano't ganito na ang aking pan~garap! Ang lahat n~g bagay ay napatatawad, ¿Patawarin kaya ang imbi kong palad? Gabi-gabi ako'y hindi matahimik Na parang sa aki'y mayrong nagagalit, Ang pasan kong sala'y laging umuusig Sa kabuhayan kong di man managinip.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap