United States or Algeria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang saquit nang pagcatuyo nang catauan ay bago pa, at totoong lacas nang pag-uubo nang may catauan ay masasangrahan siya nang umonti ang caniyang ubo; at nang houag macahirap sa caniya ang pag-uubo, ay painoming maminsan minsan siya nang isang cucharang gatas nang dayap na sasamahan nang isang gayon din polot na lulutuin muna sa mahinang apoy.

Ang tauo,i, masasangrahan sa alin mang ugat nang caniyang catauan; houag lamang doon sa man~ga ugat na nadoroon sa piling nang may tungmitiboc na pulso. Cun ualang marunong sumangra, na-aari ang linta ó ang ventosa.

Na-aari naman ang tubig na dinoroonan nang azucar at suca. Cun baga ang pulso,i, malacas at matigas, at bucod dito cun ang maysaquit ay malacas naman, ay masasangrahan hangang macalaua, at lalo pa cun siya,i, nainitan ayon sa sabi co sa parrafo 184. Datapoua cun hindi matigas ang pulso, ay hindi sucat sangrahan, at macacasama sa caniya yaon.

Gayon din ang pag-gamot sa man~ga babaying sinisintacan; at may panahon man, masasangrahan din. Cun munti ang sintac, ay marahil mauala pag sinangrahang minsan ang maysaquit, at pag pinainom nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao ; itong tubig ay dinoroonan nang caonting pulot .

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap