United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pasalamat tayo at nagkaroon ng ganitong pagkakataon. Salamat nga at magkaulayaw tayo ng boong tamis. Nguni't hindi na marahil mauulit. Kahimanawari Leoning ay maulit pa. Pagkakataon nga lamang yata ang ganito. Leoning, idalangin nating maulit. Aywan natin sa panahon. Kaya waring kamatayan ang ating paghihiwalay. Nagsinungaling ka na naman. Maniwala ka Leoning. Maniwalang magsisinungaling ka.