United States or Afghanistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun minsan ang tauo,i, inaabot nang ulan sa daan, at ang mabuting gauin niya pagdating sa bahay, ay magbihis siya at maligo agad sa malacocong tubig nang houag siyang magcasaquit; at cun lag-yan nang caonting sabón ang tubig, lalo pang mabuti. Ito lamang gamot na ito macacauala cun minsan nang cólico, ó sintac nang tauo pagca nabasá ang caniyang man~ga paa.
Magaling naman ang pagpambo doon sa tubig na yaon. Ang ganitong pag-aalaga sa catauan cun minsan ay macacauala cun malauon n~g bicat; datapoua bihirang nangyayari yaon. Ang ibang man~ga bagay na nabibilin sa ibang man~ga libro, ay hindi nacacauala noong saquit na yaon. Cun bayuhin mo ang damo na pinan~gan~ganlang malatinta ó tintatintahan ó tinatinaan at itapal sa bicat, ay mauauala.
Sa icatlong arao pupurgahing uli, nang purgang mahina hina at pararapitan sa dalauang binti. Cun baga pinapauisan ang maysaquit, paiinumin nang anomang bagay nanacacapagpapauis; itong pagpapauis doon, ay itutuloy na mahabang panahon, hangan sa siyam na arao, sa halimbaua; at cun minsan itong pagpauis ay macacauala nan man~ga bacas nang apoplegía.