United States or Liechtenstein ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagca magaling-galing na ang maysaquit, ay mayroong oras na hindi na siya nalalagnat ay itinutuloy ang bilin sa número 3, at touing arao pinaiinom nang bilin sa número 24 timbang cahati ang isang inom. Ito,i, nacacauala nang masamang bacas nang saquit.

Itong gamot na ito,i, itinutuloy hangang mauala ang pamamaga nang catauan. Ang ungmiinom noon ay ungmiihi nang marami, at yaon ang nacacauala nang pamamaga.

Ang gagauin agad doo,i, paiinumin ang maysaquit nang bilin sa número 58, at tapalan ang sibol nang bilin sa número 59. Itong man~ga gamot na ito ay nacacauala nang sibol sa calauonan; datapoua cun baga nagnanana, ay cailan~gang hiuain nang marunong, at gagamutin para nang baga sa párrafo 253.

Magaling naman ang pagpambo doon sa tubig na yaon. Ang ganitong pag-aalaga sa catauan cun minsan ay macacauala cun malauon n~g bicat; datapoua bihirang nangyayari yaon. Ang ibang man~ga bagay na nabibilin sa ibang man~ga libro, ay hindi nacacauala noong saquit na yaon. Cun bayuhin mo ang damo na pinan~gan~ganlang malatinta ó tintatintahan ó tinatinaan at itapal sa bicat, ay mauauala.

Uica naman ni P. Clain na ang pag-inom nang isang tagayang tubig na pinaglagaan nang ugat nang apasotis sa oras nang pagsipot nang guinao nang pan~giqui, at saca cun magcumot tuloy ang maysaquit ay nacacauala nang pan~giqui, cun gauing macalaua ó macaitlo. Magaling pa sa rito ang isang gamot na itinuro at ipinahayag nang hari sa España sa caniyang man~ga vasallos, na yao,i gayon.