United States or New Zealand ? Vote for the TOP Country of the Week !


Saca nagpapatuloy yaong matigas sa lalamunan, at ang maysaquit ay ga quinacapos nang paghin~ga, ó dungmadalas caya sa dati ang paghin~ga niya; ang puso,i, cungmacabacaba nang malacas, lungmalabo ang pagtin~gin, nalilio ang may catauan at hindi macarin~gig; bucod doon ay cungmiquinal cun minsan ang man~ga casangcapan nang catauan.

Mayroong batang hindi lumagay cun mayroong bulati; dinaraanan cun minsan ang gayong maysaquit nang síncope ó convulsión . Cun minsan nahihilim, ó pinapauisan nang malamig; lungmalabo ang pagtin~gin nang may catauan, pati nang voces niya,i, hungmihina. Ang man~ga n~gidn~gid ay tila nabubuloc.

Saca pagca nacapagnana na ang sibol sa baga, sungmasama pa mandin ang damdam nang maysaquit; parati nang nag-uubo, at sa touing cumibo,i, lungmalacas ang ubo; cun minsa,i, natatacot siyang humiga nang tihaya, at hindi macatulog; saca cun minsa,i, pinapauisan sa dibdib at sa muc-ha; ang ihi ay mapulapula na anaqui may bula, ó lan~gis sa ibabao; mapait ang bibig, lungmulubog ang mata, at cun minsa,i, lungmalabo.

Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay natatamlay muna,t, nalilio; sungmasaquit ang ulo; ungmuugong ang tayin~ga. Lungmalabo ang pagtin~gin; malacas ang cabacaba nang puso, ang pagtulog ay hindi mahimbing, at ang paghin~ga ay mahirap; ang man~ga bituca ay napupuno nang han~gin; ang muc-ha ay pungmuputla, ang man~ga paa,t, camay nanglalamig.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap