United States or Argentina ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay natatamlay muna,t, nalilio; sungmasaquit ang ulo; ungmuugong ang tayin~ga. Lungmalabo ang pagtin~gin; malacas ang cabacaba nang puso, ang pagtulog ay hindi mahimbing, at ang paghin~ga ay mahirap; ang man~ga bituca ay napupuno nang han~gin; ang muc-ha ay pungmuputla, ang man~ga paa,t, camay nanglalamig.
Bucod dito,i, hungmahaloyhoy ang may catauan, ó sungmusuca siya, at napapaihi at napapailaguin. Ang man~ga bituca ay ungmuugong; ang lauay ay cungmacayat; ang puso cunmacaba nang malacas, at ang paghin~ga ay main~gay. Ang lahat na ugat ay lungmalaqui, lalo pa ang sa liig, sa dila,t, noo.
Salita Ng Araw