United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saca pagca nacapagnana na ang sibol sa baga, sungmasama pa mandin ang damdam nang maysaquit; parati nang nag-uubo, at sa touing cumibo,i, lungmalacas ang ubo; cun minsa,i, natatacot siyang humiga nang tihaya, at hindi macatulog; saca cun minsa,i, pinapauisan sa dibdib at sa muc-ha; ang ihi ay mapulapula na anaqui may bula, ó lan~gis sa ibabao; mapait ang bibig, lungmulubog ang mata, at cun minsa,i, lungmalabo.
Ang tauong binubuni, ó pinapauisan ó guinagalis na dati, na biglang nauaual-an noong man~ga saquit na yaon, ó cun baga siya,i, binubulutong ó tiniticdas, ó quinuculebra, ó cun tinutubuan nang anomang masama, at hindi tungmoloy, cundi lungmulubog at napaiilalim, cun minsan siya,i, maguiguing ético, ó hihicain, ó daraanan caya nang hindi macahin~ga, ó nang ibang saquit na masama.
Salita Ng Araw