United States or Kiribati ? Vote for the TOP Country of the Week !


Anomang lumabas sa caniyang cataua,i, mabahong totoo. Cun minsan ay ga cungmiquinal ang caniyang catauan, at marahil ang muc-ha; tihaya ang paghiga niya; at siya,i, ungmuusos na patun~go sa paahan nang hihigan; parati ga mayroon siyang dinarampot nang camay.

Ang nagcacasaquit nang gayon, ay hindi macahin~ga nang maloualhati ang caniyang dibdib ay tila siquip; cungmucumbo ang sicmura, ang tiyan, ang dibdib pati nang balicat. Ang may cataua,i, nauuhao,t, napupuyat, at ang paghin~ga niya,i main~gay; ang paghiga nang tihaya ay mahirap sa caniya; sungmusunod doon ang init, ang lagnat, at ang pagquinal nang puso; ang ihi ay malinao at hindi husay.

Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loob nang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinan~gin~gilabutan nang guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isan~g cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i, masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i, mapan~ganib ang buhay nang maysaquit; ang man~ga labi, ang dila, ang n~galan~gala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hinin~ga; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin.

Cun minsan ang color noon, ay susugat, na ang color ay morado. Cun minsan naman binubuculan ang sin~git, ang quiliquili, ó ang dacong tayin~ga. Ang maysaquit ay nanghihina pa mandin; ang bait niya,i, nagugulo; tihayá ang caniyang lagay; at namamatay na may pauis na malaqui. Cun minsan ang iquinamamatay niya,i, ang siya,i, binabalin~goyn~goy nang malacas.

Saca pagca nacapagnana na ang sibol sa baga, sungmasama pa mandin ang damdam nang maysaquit; parati nang nag-uubo, at sa touing cumibo,i, lungmalacas ang ubo; cun minsa,i, natatacot siyang humiga nang tihaya, at hindi macatulog; saca cun minsa,i, pinapauisan sa dibdib at sa muc-ha; ang ihi ay mapulapula na anaqui may bula, ó lan~gis sa ibabao; mapait ang bibig, lungmulubog ang mata, at cun minsa,i, lungmalabo.

Cun aayao ca noong ganoong paraan, ay tapalan ang pouit nang incienso, sahing at polvos nang sinunog na sun~gay nang usa, at papasoc ang tumbong. Cun minsan ang paglabas nang tumbong ay dala nang pag-iilaguin, na siya ang totoong cailan~gang gamutin. Cun lungmalabas ang punong catauan nang babayi, ay pahihigain nang tihaya.