United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sagot n~g may bahay naman ay ganito: " Inyo na pung alam itong bahay ninyo, Ninanais naming kayo,y pumarito, upang sa tui-tui na,y masuyuan kayo ." Nasabing may bahay kung sadyang may nais makipagkilala sa iyo n~g mahigpit, katunkulan niyang dalawin kang tikis sa loob n~g tatlong araw di lalabis.
At katunkulan mong lubos na mahigpit sa iyong pag-aaral ang pagsusumakit; ang lahat n~g turo nila'y isa-isip, sa lahat n~g hatol nila ay manalig. Nan~gun~guna sila't ang dala ay ilaw sa landas n~g iyong madilim na buhay; tanang hakbang nila ay malapit sundan, n~g upanding ikaw ay huag maligaw.
Huag mong gagayahan ang m~ga pintasin ang balang makita'y agad susukatin: gumagawa nito'y iyong m~ga haling na hindi nag-aral n~g pagka-mahinhin. Kung paparoon ka sa m~ga sayawan, sa m~ga teatro't m~ga kapisanan, pakatandaan mong iyong katunkulan ang lalong mabining pagkamatimtiman.
At gayon din naman sa pag-aasawa, ó sa pan~gan~ganak na lubhang ginhawa, at sa lahat na n~gang dapat ipag-sayá, sila ay padalhan n~g liham pagdaka. Kung patutun~go ka sa alin mang bayan, lalo't sa malayo'y lubos na kailan~gan, bago ka umalis muna'y magpaalam sa kaibigan mo't iyong katunkulan.