United States or South Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Huag mong gagayahan ang m~ga pintasin ang balang makita'y agad susukatin: gumagawa nito'y iyong m~ga haling na hindi nag-aral n~g pagka-mahinhin. Kung paparoon ka sa m~ga sayawan, sa m~ga teatro't m~ga kapisanan, pakatandaan mong iyong katunkulan ang lalong mabining pagkamatimtiman.
Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman, di sukat ang dunong at lahat n~g inam; kapag ang sagisag na aking tinuran ay siyang nawala, ang lahat ay kulang. Ang pagkamabaít, ang pagka-mahinhin, ang pagka-matapat at anyong butihin ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin, ang iyong ugali upang magluningning.
Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay, linisin ang sahig sampong kasankapan; sa kani-kaniyang dako ay ilagay ang lalong maliit na ari-arian. Bahay na maayos ay parang salamin n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin; bahay na magulo'y nagpasabing tambing n~g ugaling salat sa turong magaling.