United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang karamihan nitong m~ga anitong pinipintakasi nila ay ang kanilang m~ga kanunuan na lubha pa yaong nan~gabantog sa pamumuhay, dahil sa ayon sa kapanaligan n~g m~ga dating Tagarito ay napapa sa kaluwalhatian ang m~ga namamatay.
Ang pagkilala sa Dios sa Infierno at sa ibp. ay naging kapanaligan din na ibang nan~gábansag na lupain, gaya sa Persia, India at atb, n~guni't marahil ay napulot ito n~g m~ga taga Bisayang Malayo sa Religiong «Hinduismo» n~g m~ga taga India at siyang inugali hangang dito; sapagka't sa Religiong "Hinduismo", bukod sa kumikilala sa tatlong pinakapan~gulong Diyós ay kumikilala pa sa Diyós Yana na di umanoy, Diyos sa kainfiernohan: sa Diyos Ganesa ó Ganabali Diyós n~g karunun~gan at tagahawi n~g kapansanan; sa Diyós Kartikeya na pinakapintakasi sa digma; sa araw na pinamamagatan nilang Sunya , sa buwan na tinatawag nilang Soma at sa ibp.