United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bawa't isa nito'y may kanikanyang pan~galan at siyang m~ga pinakapintakasi; kaya't ang kanilang pasintabi't hayin ay naririnig at námamalas sa lahat n~g dako dahil sa ganang kanila'y may pintakasi saa't saan man, mapa sa kati't mapasa tubig at mapa sa lupa't, mapa sa lan~git: anopa't ang sangsinukob sa ganang kanila ay puno n~g m~ga pintakasing anito nila.
Ang pagkilala sa Dios sa Infierno at sa ibp. ay naging kapanaligan din na ibang nan~gábansag na lupain, gaya sa Persia, India at atb, n~guni't marahil ay napulot ito n~g m~ga taga Bisayang Malayo sa Religiong «Hinduismo» n~g m~ga taga India at siyang inugali hangang dito; sapagka't sa Religiong "Hinduismo", bukod sa kumikilala sa tatlong pinakapan~gulong Diyós ay kumikilala pa sa Diyós Yana na di umanoy, Diyos sa kainfiernohan: sa Diyos Ganesa ó Ganabali Diyós n~g karunun~gan at tagahawi n~g kapansanan; sa Diyós Kartikeya na pinakapintakasi sa digma; sa araw na pinamamagatan nilang Sunya , sa buwan na tinatawag nilang Soma at sa ibp.