United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sumira n~g puri n~g isang anák na dalaga ó asawa n~g isang maginoo ay nilalapatan n~g parusang kamatayan. Ang mahuling mangaway ó mangkulang ay kamatayan din ang parusan inilalapat.
N~gunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay ó n~g magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman n~g m~ga may sigalot: Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya n~gayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin n~g isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan n~g parusang kamatayan.
Ang nakamatay n~g isang timaua ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; n~guni't kung humin~gi n~g tawad ay inuuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom.
Ang panunun~gayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa mayaman, sa matanda ó sa babae, at pinarurusahan n~g isang gayong halaga ó kung dili ay pagkaalipin. At kung ang tinun~gayaw ay pan~gulo ó maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na kung gayon ay pagkaalipin na lamang.