United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
=Pagbabayad n~g Paratang.= Ang karaniwang kahatulan sa m~ga usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati n~g bukid at n~g tanang tinatangkilik ay napapa sa pan~ginoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang m~ga anak ay pakain at padamit.
N~gunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay ó n~g magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman n~g m~ga may sigalot: Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya n~gayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin n~g isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan n~g parusang kamatayan.
Ang salang makiagulo, palibhasa't sigalot sa sambahayan ay karaniwang sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman n~g matandá ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki n~g isang gayong halaga sa asawa n~g babae na pinakapantakip sa nasirang dangal.