United States or Cabo Verde ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nakamatay n~g isang timaua ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; n~guni't kung humin~gi n~g tawad ay inuuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom.
Marami n~g kahatulan ang naiturô n~g m~ga pantas at m~ga may pinagdaanan sa pamumuhay ukol sa paraan n~g pagginhawa.
=Pagbabayad n~g Paratang.= Ang karaniwang kahatulan sa m~ga usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati n~g bukid at n~g tanang tinatangkilik ay napapa sa pan~ginoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang m~ga anak ay pakain at padamit.
Salita Ng Araw