United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gunit sa pagmumungkahian at m~ga sigalot n~g magkakasambahay ó n~g magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman n~g m~ga may sigalot: Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya n~gayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin n~g isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan n~g parusang kamatayan.
Ang di lubhang malaking pagkakaalitan ó pagmumungkahian sa isang nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan n~g nagkaalit at siyang humahatol ayon sa patotoo n~g m~ga saksi at alinsunod sa minanang kaugalian sa kanilang m~ga kanunuan , ang hatol naman n~g matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila. =Pag-uutan~gan.=