United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
O conde Adolfo,i, ilinapat mo man sa aquin ang hirap n~g sangsinucuban, ang caban~gisan mo,i, ipinasalamatan, ang púsò ni Laura,i, cong hindî inagao. Dito nag-himutóc ng casindac-sindác na umaalin~gao-n~gao sa loob n~g gúbat tinangay ang diua,t, caramdamang hauac n~g buntóng hinin~ga,t, lúhang lumagaslás.
Lan~git ang gumanti sa iyong pag-ibig nang ligayang hindi sucat na malirip; aco,i, iniuan mo sa madlang pan~ganib, ¡oh pan~gun~gulila na cahapis-hapis! Di co na narinig cahit alin~gao-n~gao nang iyong pagtauag na lubhang malayao: aco,i, iniuan mo sa capighatian, nacaisa-isa,t, ualang caaliuan.
Halos boong gúbat ay na sa sabúgan nang ina-ing-aing na lubháng malumbáy na inu-ulit pa at isinisigao sagót sa malayò niyaóng alin~gao-n~gao, ¡Ay Laurang poo,i,! baquit isinúyò sa iba ang sintang sa aqui pan~gacò at pinag liluhan ang tapat na púsó pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?