United States or Antigua and Barbuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
INA-ING-AING. Sa iba ay "dinaingdaing". Napaghahalatang kusang binago, pagka't sa mga bata na lamang ngayon nariringig ang ganyan. At marahil ay sa bisa ng paniwalang mali iyan, kung kaya binago. Nguni't ang katagang iyan ay di mali. Matanda na nga lamang at lipas na. Buhat sa "inaing", na ang laman ng idinaraing ay "ina", gaya naman ng "aying" na "ay" ang nagiging laman ng pagdaing.
Ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng Makata, ay talagang "ina-ing-aing" ang na sa matandang "Florante". Hindi "dinaing-daing." IPINABIGAY. Kay P. Sayo ay "ipinamigay", na isang tunay na kamalian. Ang "ipinabigay" ay isang balangkas na maaaring sabihing "tatak Bulakan" na gaya rin ng "pasuriin muna" ay di siyang karaniwan sa ibang pook ng Katagalugan.
Halos boong gúbat ay na sa sabúgan nang ina-ing-aing na lubháng malumbáy na inu-ulit pa at isinisigao sagót sa malayò niyaóng alin~gao-n~gao, ¡Ay Laurang poo,i,! baquit isinúyò sa iba ang sintang sa aqui pan~gacò at pinag liluhan ang tapat na púsó pinang-gugulan mo nang lúhang tumuló?