United States or Kosovo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dapua,t, niyaon n~ga'y may isang dumating sa canilang bayan isang fraileng saquim; at doo'y nagcura nan~garal na tambing n~g utos n~g Dios na dapat ganapin. Diua ay dinalao n~g gauang pagsinta ang puso at loob n~g nasabing cura, caya,t, monaguillo'y, tinauag pagdaca,t, agad pinahanap n~g isang dalaga.

«Madla na sa aquin ang nagsipagsaysay «nang tungcol sa sinta na gaya mo naman; «n~guni,t, tiniyac cong anomang caratnan «dili matatangap niring calooban. «Pagca,t, malaon nang tinica nang diua «na aquing lisanin ang sa mundong daya, «at sa isang silid na lubhang payapa,i, «maglingcod sa Hari nang lan~git at lupa.

Anang iba namang nag sasalitaan hindi masasabi nang sino,t, alin man, di naquiquilala sa estado,t, lagay ang tauong mayroong in~gat na panglumay. At may nag sasabing diua ay himalá nang Dios na Hari nang Lan~git at lupa, ayuán cun gayon dapat maniuala cun pacaná noon ay mangyayari n~ga.

Nagcataon namang doroon sa jardin ang bunying dalaga na may pusong garing, ang sariling diua parang inaalio, sa tanang bulaclac at simoy nang han~gin. Siyang pag-aabot nang naturang liham sa parang linalic at maputing camay, quinuha at saca tumanong pagcouan: ¿sino caya baga ang pinangalin~gan?

Cundi noong minsang mamintana aco taóng nagdaraan ang dalua catauo, isa,i, tumin~galá at naquita aco tumaua,t, n~gumibit ay natoua aco. Dili co mataróc matapos isipin ang nangyaring yao,i, sumasapanimdim, diua ay yaon n~ga,i, siyang naguing dahil pinagmulán nitong sacuna,t, hilahil.

Mahal na iná co ay signos co yata at palad na lihis bucod sa capoua, ualang nasasabi diua ay himalá n~g Dios na Hari nang Lan~git at lupa. Unauain ninyo mahal na iná co pinagmulan nitong pagcacaganito, noong isang arao nanunun~gao aco taóng may nadaan na dalua catauo.

Puso,i, nalipos nang lumbay at hapis, ang luha sa mata,i, laguing nagbabatis, naualay sa ama,t, aling nagtangquilic: anopa at naguing hantun~gan nang saquit. May alagang pari sabihin ang aua, dapoua,t, quinusang di nagpahalata, nang lalong mauagas ang puso at diua, luminis sa apoy nang madlang dalita.

Ito,i, nanibugho,t, acala,i, ninibig yaong si Hortensio sa cay Eduvigis, at sa salitaan siya ay lumapit catulad nang isang tauong ualang bait. Nag-uaualauala,t, nang di mahalata ang lihim na galit na taglay nang diua; n~guni,t, sa caniyang quilos at salita ang sucal nang puso,i, mapag-uunaua.

Gayon din n~ga naman yaong man~ga diua na ualang cataua,t, espiritung paua: ang Hari sa Lan~git na di matingcala, caloloua nati,t, Angeles na madla. At itinuturo nang maestro namin ang ugaling dapat sa mundo,i, asalin: na ang catouirang aalinsunurin; ang masamang gaui nama,i, susupilin .

Tatlong taong sincad binata nang diua ang balabalaquing hirap at dalita, ¿baquit natitiis caya nitong lupa at hindi lamunin yaong alibugha. ¿Baquit, man~ga lan~git, at di ibulusoc sa bayan nang apoy, nang doon magduop? at hangang may mundo,t, ang Dios ay Dios yaong pagdurusa,i, hindi matatapos.