United States or Guadeloupe ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Wala! gaya n~g sabi namin: ang sumucob sa magaling na lilim ay mabuting pamalo ang sa canyá'y inilálapit. ¡Siyá n~ga! Sa canya'y totoong nararapat; sinabi co na sa una cong pagcakita pa sa canyá: ito'y isang filibustero. ¿Ano ang sinabi sa iyo, pinsan, n~g general? ¿Ano naman ang sinabi mo sa canyá, anó ang balitang sinabi mo sa canya tungkól cay Ibarra?

Hindi na umaalis sa canyáng bahay ang cahabaghabag na tao, at n~g huwág lumagáy sa pan~ganib na macabatì sa isáng filibustero. Cahi't ang pinsán mang si Primitivo, bagá man tagláy niyá ang boong carunun~gan n~g m~ga tao sa una, ay hindi macuhang siyá'y mapaimíc.

"Tulisán sa dagat" ang tunay na cahulugan sa tagalog n~g wicang castílang "filibustero", ayon sa "Diccionario de la lengua castellana" na gawâ n~g "Real Academica Española"; n~guni't dito sa Filipinas ay binigyan n~g m~ga castíl

At yamang caniláng inibig, magpifilibuster acó, n~guni't tunay na filibustero; tatawaguin co ang lahát n~g culang pálad, ang lahát n~g nacaráramdam n~g tibóc n~g pusò sa loob n~g canyáng dibdib, yaóng m~ga taong sa inyó'y nan~gagpasugò sa akin ... hindi acó maguiguing masamáng tao, cailán ma'y hindi masamáng tao ang nakikibaca dahil sa canyáng kinaguisnang bayan, tumbalíc.

Iyá'y isáng nag-aral sa m~ga jesuita; ¡lumálabas sa Ateneo ang m~ga filibustero! ang sabi n~g isáng fraile. At ang m~ga caaway n~g m~ga fraile. Sinabi co na: ipinapahamac n~g m~ga jesuita ang lupaíng itó, pinahahalay ang ugali n~g cabat

N~g ica 5 n~g Diciembre n~g 1896 ay nagpasiyá si capitan Dominguez, na ayon daw sa m~ga casulatang narakìp at sa m~ga "declaración" ni Martín Constantino, Aguedo del Rosario, José Reyes at iba pa, si Rizal ay siyang buháy na calolowa n~g panghihimagsic, pan~gulong púnò n~g m~ga "filibustero", pan~gulong nagtatag n~g panghihimagsic, at iba pa.

Datapowa't waláng salitâ, waláng pagkilos, waláng anó mang hakbáng si Rizal na hindî ipinalálagay n~g m~ga fraileng hakbáng, kilos at salitáng "filibustero", at dahil sa gayong nangyayari'y napilitan si Rizal, na mulíng panawan ang canyang pinacasísintang bayang Filipinas, at papan~gulilahin ang canyang m~ga magulang, capatíd, kinamaganacan, caibigan at m~ga cababayan, n~g unang araw n~g Febrero n~g 1888, cahi't may dinaramdam pa siyáng sakít noon.

Hindi nagcasiya cailan man sa canyang puso ang magtanim n~g galit; hindi pa siya nacasusumpong n~g isa man lamang na "filibustero"; wala siyang nakikita cung hindi m~ga haling na isip na kinakailan~gang agawan n~g pagcabuhay, sacali't aayaw na maguing halíng pa cay sa canila.