United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !
DALM. Ah oo n~ga, tunay ang iyong turing, at ibinabalita ko sa iyo n~gayon, na noóng inilalaglag n~g aking amá sa pangdin~gig ko ang butil n~g magandang aral, ay tunay na sa balang sabi, ay nakikibagay ang paták n~g matamís kong luha na ito'y ibinabalong niyaong guniguní, na paano kaya kung dumating ang panahon n~g aking pagkaulila. ¿Gaano kaya ang dami n~g kakabakahin kong digmá n~g hinagpis?
At dí maglulubay ako n~g pagluhog, kahima't dalita ang awang ihulog ay di mag sasawa ako n~g pagpulot at ituturing ding ligaya n~g loob. Halihalimbawang maguing takdang guhit n~g kamatayan ko ang sa pusong nais ay ituturing ding ligaya n~g dibdib lalo't mahalatang nagdadalang hapis. DALM. Tapós na Marcela ¿Anó bagá ang din~gig mo?
DALM. Mabuting awa n~g Dios, walang ligamgam na anomán, itinanóng sa akin na kun bakit ako naluatan kahapon, ang naguíng sagót ko'y nagkawili lamang kita sa pag-uusap, na kun anó ang mabuting sukat isiping paghahanap búhay; sa sagót kong ito'y nalaglág ang kanilang luha at ako'y niyakap na pinakahigpít n~g aking iná, at ang idinugtong na pan~gun~gusap naman nang aking amá ay ganito Pakingan mo at akin~g kakantahín.