United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di mo ba nakikita't marrikáno iyang may 'ribulber'? Kami'y waláng kaarmás-armás, kung kami'y labánan, anó ang aming magagawâ?" Nagngitngít si Gerardo sa mga salitâng ito. "Mga duwag!" ang malakás niyang sigaw na sinabayan ng isang matinding túlak sa mga pulis na kamunti nang ikinábaligtád nilá; at di lamang ito ang nagawâ: nilabnót pa sa mga bayaning iyon ang dala-daláng mga batúta.
Ang mata ni ina'y bukalan n~g luha Kung may dala-dalang damdamin at awa, Ang lahi ni ina'y sampagang sariwa Na may laging laang halik at kalin~ga. Sa halik ni Ina ay doon nalagas Ang tinik at bulo n~g musmos kong palad, Sa halik ni ina'y aking napagmalas Na ako'y tao na't dapat makilamas. Ang bibig ni inang bibig n~g sampaga'y Bibig na sinipi kina Clara't Sisa Kaya't mayrong bisang kahalihalina.
"Hitsura ninyong iyán ang aking uurungan!" Si Juancho ay naglilís ng manggás at inawasíwas ang kanyáng sundang. Si Florante nama'y biglang inalantad ang dala-dalang talibóng na inagaw kangína kay Kapitang Memò. "Halíng!" ang kanyang sigaw "Nakikita mo ito?" Tiningnan ni Juancho ang sandata. Napaurong. Nangdididilat. Nakilala ang talibong.
Salita Ng Araw