United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni at pinaturuan naman siya na magaling nang caniyang Amá,t, Iná, madaling natuto niyong iba,t, ibang man~ga carunun~ga,t, lubhang na bihasa. Linoob nang Dios siyang liuanagan nang gracia niyang camahal-mahalan nakilala niya ang catotohanan na si Jesucristo ay Dios na tunay.

Ang carampatang gauin ay ang perla santa, ang mariquit na margarita, ang ualang casinghalagáng hiyas nang anac na dalaga ay pag pilitang in~gatan nang magulang, at palibhasa,i, talaga sa lalong camahal-mahalan at cariquit diquitang esposo.

Madaling pagdin~gig ay napagkilala sa lahat nang man~ga carain~gan niya, loob niya cung minsan ay binuhay pa sa pag-papanayam at pagdalaw bagá. Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban nang Dios, nang graciang camahal-mahalan, bagong Magdalena ang siyang cabagay nang cay Margaritang biyayang kinamtan.

¡Aba Dios at Pan~ginoong co! Na pinagpala mo ang caloloua nang Ama cong san Agustín, sa pinacalan~git nang iyong santa Iglesia, at pinarating mo sa cataas-taasang pagninilay, na ga nauaualang loob at natitilihan sa man~ga cababalaghan mong Misterio, at nagcamit pang nanood dini sa buhay na yari nang Trinidad na casanto-santosan, at naguing dapat numamnam nang dugong camahal-mahalan sa taguiliran nang aming Pan~ginoong Jesucristo, at nang calinalinamnamang gatas nang casanto-santosang Virgen María, at pinagitanan nilang mag-Ina na uala siyang matotohang lin~gonin nang malaquing pagcatoua, at ungmalab na sungmilacbo ang apoy nang caniyang sinta cay Jesús at cay María: ay panin~gasin mo naman, Pan~ginoon co, ang dibdib co sa pagcauili cay Jesús at sa caniyang casanto-santosang Ina.

Sa camahal-mahalan at cataas-taasang misterio nang Trinidad na casantosanto-san nagcucusang nonoui, cun baga sa cusa, itong Novenas nang mapantas na Doctor at Ama nang santa Iglesia na si san Agustíng na Ama cong liniliyag, sapagca cun sa Dios Ama inahihinguil ang capangyarihan, sa Anac ang carunun~gan at sa Espíritu Santo ang sinta; ang sinta, carunun~gan at capangyarihan, ay siyang sinag na ipinagbibigay liuanag sa sangdaigdigan nang arao nang santa Iglesiang si san Agustín.

Sa harapan mong camahal-mahalan, Pan~ginoong macapangyayari sa lahat, iisa sa pagca Dios at tatlo sa pagca Personas; ay ipinagpapatirapa co yaring caabaan co at ang hiling co,t, nasa, ay ang balang nang panimdimin, gaui,t, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,i, paraparang maoui,t, mahinguil sa pagpupuri,t, pagdaran~gal sa Iyo.

Sa paghahanda ay nagsisicap siya nang icagagaling niyong calulua, at isang mahusay na tahanan bagá nang ualang capantay na Hari at Amá. Pinuspos ang lingcod niyong Poong Dios na si Margarita nang hindi masayod, na catamisan, at darakilang lugod nang camahal-mahalan n~gang Mananacop.

Sa camahal-mahalan n~gang Sacramento n~guni,t, ganap naman ang calinisan mo, ay natatacot ca,t, ang dahila,i, ¿ano sa ualang sakit ay anhin ang médico? Cundi sa talaga na may man~ga damdam doon ang médico,i, kinacailan~gan, sa piguing n~g man~ga Angeles na tunay ang totoong lunas ay masusunduan.

At sapagca naquiquilala co,t, natatalastas ang pagcababa, pagcamura,t, pagcaualang halaga nang man~ga gaua co, ang tica co,t, nasa ay ipaquisama,t, ilangcap sa man~ga ualang hangang carapatan at Pasiong camahal-mahalan nang aquing Pang~inoong Jesucristo, at nang mahugasan nang caniyang mahal na dugo ang aquing caloloua, luminis at mauala ang dilang libag nang casalanan at man~ga pitang masasama.

Na umaápaw sa caniyang calulua sa pagca-talastas na nalalapit na, yaong cauacasan niyong buhay niya,t, tutun~go cay Jesús niyang sinisinta. At magpasaualang hanga,i, matatamo sa labi ay ualang bigcas cundi ito, man~ga pakiusap na di mamagcano sa camahal-mahalan niyang Esposo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap