United States or Suriname ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa harapan mong camahal-mahalan, Pan~ginoong macapangyayari sa lahat, iisa sa pagca Dios at tatlo sa pagca Personas; ay ipinagpapatirapa co yaring caabaan co at ang hiling co,t, nasa, ay ang balang nang panimdimin, gaui,t, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,i, paraparang maoui,t, mahinguil sa pagpupuri,t, pagdaran~gal sa Iyo.

Siya naua. Dios at Pan~ginoon cong macapangyayari sa lahat, na sa carunun~gan mong ualang hangan ay pinapaguing liuanag mo ang cariliman, noong baliquin mo ang ualang casinglalim na bait at loob nang aquing Amang si san Agustín, at pinapaguing ilao mo nang pananampalataya, at arao na maliuanag nang santa Iglesia, na magsasaysay at magpaunaua sa boong sangmundo nang man~ga Misterio mong mataas, at parang diamante cun mutyang mahal, ay liniloc mo,t, pinalambot nang man~ga luha nang Ina cong si santa Mónica, at pinili,t, hinirang na magcalat at magpahayag nang iyong casanto-santosang n~galan, ay aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Dios co, na pacundan~gan sa caniyang man~ga carapatan, ay aco,i, pagcalooban mo nang liuanag na icatuto cong malis at lumayo sa casalanan, at icagagaling nang dila cong gagauin; at pacundan~gan naman sa pagal niya,t, pagod sa pagsasangalang sa pananampalataya, ay pagcatibayin mo ang aquing loob, sampon nang man~ga loob nang lahat na man~ga capoua co tauo sa totoong pananampalataya.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap