United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !


Arao arao ay darasalin ang unang Panalan~gin at aacalain sa loob at gunamgunamin, na siya,i, humarap sa casanto-santosan Trinidad; at saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,t, isang arao, at cun matapos ay man~gadyi nang tatlong Ama namin at tatlong Aba Guinoong María , puri at dan~gal sa Santísima Trinidad na sininta nang totoong pagninin~gas nang puso ni san Agustíng Ama natin, at saca isa pang Ama namin at Aba Guinoong María , puri at bunyi sa maliyag na alab at nin~gas nang caniyang dibdib.

Siya naua. ¡Aba balon nang carunun~gan! maestro nang Teología, ilao nang man~ga man~ga-n~garal, Doctor nang man~ga Doctor haligui nang santa Iglesia, calasag nang pananampalatayang cristiano, tabac sa man~ga croges. ¡Aba Agustíng bulaclac nang man~ga matatalas na bait, at tauong inaralan nang Dios! na cun ihalimbaua ca sa man~ga Santos, icao ay casanto-santosan, at cun sa man~ga marurunong, carunungdunun~gan ca.

At yayamang icao, Santo,t, Ama cong minamahal, ay naguing arao na nagpaunaua at nagpaliuanag sa boong sang mundo nang calalim-lalimang misterio nang Santísima Trinidad doon sa labing limang guinaua mong libro; at ang puso mo,i, naguing carurucan nang Trinidad na casanto-santosan, ayon sa ipinapahayag nang angel cay san Sigisberto, ay saan di aamini,t, ipagcacaloob ang anomang iyong dalan~ginin.

Pacundan~gan doon sa catamisan at biyayang calinalinamnaman na ipinamuti at ipinayaman nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at pinagcalooban nang madlang catouaan, at guinilio nang maraming pagdalao niya sa iyong loob, na ga naaaninag at naquiquiniquita sa man~ga gaua mo: aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong casanto-santosan, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nang graciang icauiuili,t, icalalambot nang puso co,t, icatututo cong manalan~gin, at icaaalam co pa,t, icaquiquilala, na cun sino aco at cun sino siya, at ang pagca dapat paualang halaga ang lahat nang balang na, liban sa Dios.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap