United States or Isle of Man ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa ungmiihi nang buhan~gin ó bato, magaling naman ang tubig nang apog na bago sa cabebe número 79; hinahalo ang apog at ang tubig, at pag malinao na ay isinasaling marahan dahan sa ibang sisidlan, ay yaong tubig na yaon ang iinuming parati nang maysaquit, ga pito ó ualong taza sa isang arao.
Datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang iniinom, cun ang ihi ay catulad n~g iniinom, at mainit ang pagcaramdam nang may catauan, at nalalagnat-lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, ó sa número 38 Magaling din cun minsan ang painumin ang maysaquit nang tubig nang apog sa cabebe número 79 na pinagbabaran nang balat nang camachiles, ó balat nang bayabas, ayon sa turo ni Buchan.
Ang timbang labing anim na pisong apog sa bato ó sa cabebe, na bagong yari ay bubusan nang labing anim na tagayang tubig. Saca hahaluin mong magaling at papagtinin~gin bago salain sa papel sangley. Maiinom maghapon ang isa ó dalauang tagayan noon tubig na yaon. Nota. Itong tubig nang apog cun pagbabaran nang timbang dalauang pisong dahon nang saga, ay mabuti ring lalo cun minsan.