United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang cacanin lamang ay ang tinapay, ó canin, ang man~ga gulay, ang man~ga bun~gang hinog nang cahoy at tubig; ang cacanin cun gab-i ay caonti, at ang caniyang iinumin, ay ang tubig na pinaglagaan nang palay ó cebada, at cun aayao noo,i, ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na ang sa icapat na bahagui ay gatas.

Cun baga hindi rin nauauala ang calaquihan nang lagnat, ang tiyan ay namamaga nang caonti, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, touing icalauang oras ay painumin nang isang cuchara nang bilin sa número 10; at cun malaqui ang saquit ay oras oras paiinumin. Itong gamot na ito,i, nagpapababang madali nang lagnat.

Ang maysaquit ay nag-uubo muna nang caonti sa loob nang ilang arao, at cun lumacad ay tila masiquip siquip ang caniyang dibdib sa caniyang pagcaramdam; ang muc-ha,i, mapula sa rati; ang ibig niya ay cumaing parati at matulog, at hindi mahimbing ang caniyang pagtulog; pag nalauong ilang arao, guiniguinao siya; humahalili roon ang init; hindi siya lumagay, at lungmalaqui ang casiquipan nang dibdib.

Datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang iniinom, cun ang ihi ay catulad n~g iniinom, at mainit ang pagcaramdam nang may catauan, at nalalagnat-lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, ó sa número 38 Magaling din cun minsan ang painumin ang maysaquit nang tubig nang apog sa cabebe número 79 na pinagbabaran nang balat nang camachiles, ó balat nang bayabas, ayon sa turo ni Buchan.