United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang sila nga'i, dumating na sa sadyá nilang talaga, doon na iniuan siya olicornio'i, nagbalic na. Si don Jua'i, capagdaca nagtuluyan sa ermita, sa ermitañong maquita ay tinanong naman siya. Icao baga'i, ali't, sino naparitong manunucsó, aco'i, malaon na rito ualang naquiquitang tauo. Isinagót ni don Juan ualín po ang cagalitan, naririto'i, iyong tingnán capirasong barong mahal.

Si don Jua'i, nanaog na tungo'i, sa caballeriza, sa pagmamadali niya icaualó ang nacuha. Sinubuan nangang tambing nang freno't, sillang magaling, ay siya namang pagdating nitong princesang butihin. Nang ito baga'i, maquita cabayong sasac-yán nilá, nagdala rin nang pangambá ang mariquit na princesa.

Ay ano'i, nang maguising na itong daquilang monarca, bintana'i, binucsán niya at nanungao capagdaca. Milagro manding daquila nang Dios na macalinga, isang hanging magahasa sa bundóc baga'i, tumama. Sa simbuyóng calacasan bilis nang hanging amihan pumasoc sa durungauan nang haring Salermong hirang. Nanguilalás nanga rito sampóng loob ay naguló at hindi niya matalo ang príncipeng naparito.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap