United States or United Arab Emirates ? Vote for the TOP Country of the Week !


At kung aalagataing buháy pa nga si Balagtas noong 1861 ay walang alinlangang dahil sa pagpipitagan man lamang sa noon pa ma'y itinuturing nang "Hari ng mga Manunula", ang sumakamay namin ay di pa "napanghihimasukan ng kamay ni Sigesmundo", Ang saling iyan ay wala na sa amin, pagka't hindi amin.

"Tungkol sa Ualang", sa saad na: "ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa". ang "ualang" naririyan ay "balang" sa iba't iba. Aywan natin kung alin diyan ang tumpak; at kung aalagataing sa talatang iya'y may isa pang katagang napaiba rin kay sa nangasa ibang "Florante" ay lalo na tayong mag-aalinlangan.

Nang kalahatian ng 1906, na lumabas sa larangan ng Panitikang Tagalog ang mahalagang aklat ng "Kun sino ang kumatha ng Florante" , ni G. Hermenegildo Cruz, ay sinasabing may mga 106,000 nang salin ng "Florante at Laura" ang naipalilimbag ng iba't iba; at sapul noon hangga ngayon ay marami na ring taón ang nagsipagdaan, at sa loob ng panahong iyan lalo na nga't kung aalagataing siyang panahon ng kaunlaran ng Panitikang Tagalog at ng kasiglahan sa pagbabasá at ng pag-uumalab na lalo ng pagmamahal sa ating walang kahambing na Makatang Francisco Baltazar ay walang alinlangang sa datihang bilang ng 106,000 ay di na rin kakaunti at di na iilang libo ang naparagdag pa.

At ang pagkakaibaiba ay di dapat ipagtaka, kung aalagataing maging sa siping itong lumabas nang 1861, gayong buhay pa si Balagtas ay kay dami na rin ng kaibhan, sa pagkakasulat. At maging kami man naman, gayong pinakaingatan na ang pagsipi, ay di pa rin kami lubos na panatag.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap