United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang kalahatian ng 1906, na lumabas sa larangan ng Panitikang Tagalog ang mahalagang aklat ng "Kun sino ang kumatha ng Florante" , ni G. Hermenegildo Cruz, ay sinasabing may mga 106,000 nang salin ng "Florante at Laura" ang naipalilimbag ng iba't iba; at sapul noon hangga ngayon ay marami na ring taón ang nagsipagdaan, at sa loob ng panahong iyan lalo na nga't kung aalagataing siyang panahon ng kaunlaran ng Panitikang Tagalog at ng kasiglahan sa pagbabasá at ng pag-uumalab na lalo ng pagmamahal sa ating walang kahambing na Makatang Francisco Baltazar ay walang alinlangang sa datihang bilang ng 106,000 ay di na rin kakaunti at di na iilang libo ang naparagdag pa.
Marahil ay sinunog na nilá. Nakaraan ang mga buwan at taón. At... patí na akong isá sa matatalik na kaibigan ng naglalayag ay hindi tumanggap ng kahi't anóng balita. Parang namatáy sa larañgan ng Panitikang Tagalog ang pañgalang Ismael A. Amado! Walang anú-anó, pagkaraan ng ilang taón, ay napabalitang ang manunulat na tagá San Mateo ay dumating, matapos makapag-aral sa Amerika.
Salita Ng Araw