United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa malas nga ay "pinagda-anan" ang tunay na titik ni Balagtas, at kaya nga lamang maaaring pag-alinlanganan ay dahil sa kalabisan ng pantig. Nguni't di baga labis din yaong nangasa unahang: "na quinalalaguián" at "sa masayáng doon~gan"? At kung sa dalawang ito'y napatalisod si Balagtas ay bakit di maaaring napatalisod din sa "guerrang pinagda-anan"? DIANA,I, ... Sa iba ay walang ligazon "i".
"Tungkol sa Ualang", sa saad na: "ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa". ang "ualang" naririyan ay "balang" sa iba't iba. Aywan natin kung alin diyan ang tumpak; at kung aalagataing sa talatang iya'y may isa pang katagang napaiba rin kay sa nangasa ibang "Florante" ay lalo na tayong mag-aalinlangan.