United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tátapusin namin a~g ulat na itó sa pagsipi n~g ilá~g tulá ni Husé~g Sisiw bila~g aláala sa kanyá~g kabantugan, na~g huag matulad sa bulâ na ginahasa n~g ha~gin; sa ba~gó~g panandalia~g linipasan n~g halimuyak ó sa kawiliwili~g tinis n~g kanyá~g kudyapî na napápawi sa pakinig, pagkalipas n~g isá~g saglit na pagkaalíw at pagkawili.
At ang pag-iingat namin ay pinapagibayo sa pagsipi sa mga ginamit na kudlit sa mga pangdulo ng talata; mga kudlit, na gaya na nga ng dinaliri namin sa mga halimbawang ilinahad sa ika 25 paliwanag, ay malimit na "mapalagay kahi't na paano", bagama't may nangatutumpak din.
At ang pagkakaibaiba ay di dapat ipagtaka, kung aalagataing maging sa siping itong lumabas nang 1861, gayong buhay pa si Balagtas ay kay dami na rin ng kaibhan, sa pagkakasulat. At maging kami man naman, gayong pinakaingatan na ang pagsipi, ay di pa rin kami lubos na panatag.
Naipagparanya lamang sa amin dahil sa paglabas noong 1906 ng "kun sino ang kumatha ng Florante" ng noo'y nag-aaral pa sa "Escuela de Derecho" at ngayo'y abogado Alfonso Mendoza, masugid na demokrata; at sa likod ng ilang buwang pag-iingat at pagsipi namin ay pinagpilitang bawiin ng nagpahiram, dahil sa minamahal daw mabutí ng kanyang ama, palibhasa'y sa mga nuno pa nila minana.