United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Buhat sa ulutang ito'y tumutun~go sa labanang ang pamagata'y "Rueda". Ang tuntun~gan nito, na nababacuran n~g cawayan, ang caraniwa'y mataas cay sa dalawang panig na sinabi na n~g una. Sa dacong itaas, na halos sumusucó na sa bubun~gan, may m~ga gradería, lunsódlunsód bagang upuan, na iniuucol sa m~ga manonood ó m~ga magsasabong, dalawang salitang nagcacaisa n~g kinauuwian.
Sa ulutang itó nakikipagtutulan ang lalong pan~god na isip: ang lalong gagasogaso'y pinagsisiyasat na magaling ang gayóng bagay, tinitimbang, pinagmámasid, ibinubucadcad ang m~ga pacpac, hinihipo ang m~ga casucasuan n~g m~ga hayop na iyón.
Salita Ng Araw