United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga buhok mo'y mahahabang ahas Kung nakasalalay sa iyong balikat, M~ga ulang waring di lupa ang hanap Kundi sampagitang humahalimuyak. Sa itim ay gabing walang buwa't tala, Sa haba ay halos humalik sa lupa, Sa lago'y halamang malago't sariwa, Sa sinsi'y masinsin at nakahahan~ga. Naging katulad ka niyong Penelopeng may timtimang pusong miminsang kumasi't Ang naging aliwa'y luha't paghahabi.