United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga ang sugat ay nadoroon sa tiyan at hindi lungmalabas ang bituca ay gagamutin ang may catauan para nang turo sa capítulong ito; datapoua cun malalim ang sugat at ang bituca ay lungmalabas, uusisaing maigui cun nabutas ang bituca, at cun baga nabutas, na caya na-aalaman sapagca linalabasan nang dumi doon din sa butas, ay houag anomanahin cun munti ang sugat; datapoua cun malaqui, ay tatahiin nang sangpouong bilong abaca na pinagquitan nang houag lumabas ang dumi, at ang dulo nang itinahing abaca, ay pababayaang lumauit sa labas nang tiyan nang mahila cun malauon, at pagca siyang cusang sumunod sa camay nang humihila.