United States or Togo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ipinagbibigay álam n~g campana ang oras n~g pagdarasal sa hapon; tumitiguil ang lahát pagcárin~gig n~g taguinting n~g pagtawag n~g religión, iniiwan ang caniláng guinágawa't nan~gagpupugay: inihíhintó n~g magsasacáng nanggagaling sa bukid ang canyáng pag-awit, pinatitiguil ang mahinahong lacad n~g calabáw na canyáng sinásakyan, at nagdarasal; nagcucruz ang m~ga babae sa guitnâ n~g daan at pinagágalaw na magalíng ang caniláng m~ga labì't n~g sino ma'y huwag mag-alinlan~gang sa caniláng silá'y mapamintakasi; inihihintô n~g lalaki ang pag-ámac sa canyáng manóc at dinárasal ang Angelus upáng sang-ayunan siyá n~g capalaran; nan~gagdárasal n~g malacás sa m~ga bahay ... nalúlugnaw, nawáwalâ ang lahát n~g in~gay na hindi ang sa Abá Guinoong Maria .
Salita Ng Araw