United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Magaang na magaang! ang isinagot ni Elias n~g boong cahinhinan; ang namamatnugot n~g gayong kilusa'y magcapatid na nan~gulila sa ama na pinatay n~g guardia civil sa capapalo; nagcapalad aco isang araw na mailigtas co sila sa m~ga camay rin n~g m~ga iyong umamis sa buhay n~g canilang magulang, at dahil dito'y capuwa cumikilala sa akin n~g utang na loob ang dalawa.

¡Cahabaghabag na España, na totoong ipinagsisigawan sa pagdiriwang n~g m~ga líbolibong halíng, na conowa'y sumísinta sa kinaguisnang bayan!... ¡Cahabaghabag na España!... ¡N~g umaga ring iyón, casabay n~g tugtóg n~g "Marcha de Cádiz" na naalis na patuluyan ang paghahári mo sa púsò n~g Filipinas! Ang púsong iyan ay ang cay Rizal na pinaglagusan n~g bala, ¡oh culang palad na España! n~g iyong m~ga mapagpaconwaring sumisinta sa kinamulatang lupa!... Hindî; hindî ikaw, loob mahal na España, ang umamis n~g buhay n~g Dakilang Banál na iyón, ang taong yaong itinutulad cay Jesucristo n~g boong catuwiran n~g pitong an~gaw-an~gaw na pawang naguing m~ga anac mo: ang pumatay sa canya'y ang budhing hílig sa cariliman n~g m~ga iniyanac sa iyong lupaíng inudyucan n~g isang pulutong n~g m~ga fraile; iyang m~ga fraileng cung hindî nan~gatutong gumanáp n~g canilang m~ga catungcalang mahál, ang lalong m~ga mahal na catungculan sa m~ga nagpapan~galang "Ministro n~g Dios", na man~gagsidalaw sa capilla upang ihandog ang canilang m~ga abuloy sa calolowa n~g hinatulang patayín, ay nan~gatuto namáng pumaroon sa capatagan n~g Bagumbayan upang magcamít n~g lihim na galac sa panonood sa pagcapatimbuang n~g Dakilang Mapaninta sa calayaan, na ang guinawang sangcala'y ang balat-cayong pagsintá sa kinamulatang lúp

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap