United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang lahát ng iyán ay hindî kailangan, ang sábi ko, sapagka't tantuín mo pô, G. Presidente, na ang isá sa mga dáhil ng áking ikináparito, ang isá sa mga dáhil kung kayâ ko napagtiisán ang hálos kalaháting áraw na pagiintáy sa inyóng kamahálan, ay upang áking maibigáy kaagád sa ilálim ng kapangyaríhan ng hukúman ang sandatang itó na tinikis kong kúnin sa nagmamayarì.
At ang dahil po kung kayâ ko tinikís ito ay sapagká't sa pamamagítan ng sandátang iyán, ay muntí na niyang baságin ang ulo nitong aking kasáma, at kung nagkataon ay munti na niyang alisan ako ng búhay. Naito pô ang aking sugat na hangga ngayo'y dumudugo pa".... "Sugat!" ang hadláng ng hukóm na may kahálong ingos; "At anó ang mapatutunáyan ng sugat na iyán?
Salita Ng Araw